Biyernes, Abril 27, 2012

Hanggang next week, MAINIT PA RIN!


Sabi sa balita, hanggang next week ang ganitong init.
Eh di hanggang next week tayong pagpapawisan sa gabi.


Hanggang next week babakat ang pawis sa higaan.


Hanggang next week kang susunugin pag labas ng bahay pag may araw.


Hanggang next week kang parang ice cream sa sikat ng araw, nakakatunaw. Oo, ganun pakiramdam.


Hanggang next week kang parang binabalatan pag dikit ng sinag ng araw sa balat mo. Oo ulet, ganun din pakiramdam.


Hanggang next week kang magpaplanong pumunta sa mall para magpalamig kahit walang bibilhin.


Hanggang next week pagkauwi mo ng bahay maghahanap ka ng swimming pool para magdive. Eh hindi kayo rich kid kaya magtitimba at tabo ka na lang.


Hanggang next week kang bibili ng shake, halo-halo, saging con yelo, mais con yelo, bloke ng yelo, at kung anu-ano pang malamig pwera lang ang bangkay.


Hanggang next week kang mag-iisip ng mga kakaibang bagay para lang mapalamig ng konti ang loob ng bahay niyo.


Hanggang next week, sana hanggang next week na nga lang talaga 'to!


Sana malamig naman! Madali lang magpainit.
Para uminit, manood ng porn. (eto talaga una kong naisip eh noh, halata ba ko?)


Para uminit, magbabad sa harap ng kalan. Mas mabuti pa ikaw na magluto lagi para may silbi ang paggamit ng kalan.


Para uminit, magsiga o kaya sa fireplace na lang pero Pilipinas 'to kaya walang fireplace ang mga bahay. Bahay niyo na lang sigaan niyo, mas mainit pa. Durog ka pa sa kapitbahay niyo pag nadamay sila. Baka hindi ka lang durog, pinong-pino pa.


Para uminit, mag-exercise! Mag-jogging, mag-push up, mag-sit ups, mag-squats. Gaganda pa katawan mo. Yummy!


Para uminit, magkumot habang nakasando at shirt at nakajacket at nakabrief, boxer brief, boxer shorts at pajama at medyas. Tignan ko lang kung hindi pa yan umepekto.


Pero tingin ko talaga, malala na 'to. Kailangan na natin gumawa ng paraan para tumagal pa ang mundo. OA? haha pero totoo. WE NEED CHANGE.

Linggo, Abril 22, 2012

Sabi ko sa'yo eh, ibibigay ko sa'yo ang araw



 to follow na lang ang mga bituin.

It's more fun in the Philippines!

(Iba 'to sa mga napost ko.)


We went to one of the Beach Resorts in Subic Bay, Zambales yesterday. It was fun! The entrance fee is affordable. There are different cottages to choose from. You can stay any hour of the day and you can even stay over night, just bring a tent then your Summer getaway will be a blast.

I saw different activities happening there. Some are playing games for their Team building (it's really fun when you're with your friends or coworkers). I saw a wedding goin' on as well (and with loved ones). You can ride the Banana boat, Jet Skis or the real boat so you can go to the other islands and go snorkeling. 

I took these pictures using my phone cause I wanna show you how beautiful this place is.






You can really feel tropical summer there. Come on! Give yourself a hot and adventurous summer! Only in the Philippines! :D

Linggo, Abril 15, 2012

Call center ka ba?

(building? gusali?)


Una ko ‘tong trabaho. Pagkagraduate ko ito ang tinarget kong aapplyan, ang mga Business Process Outsourcing (BPO) o mas kilala bilang Call Centers. Nung mga panahong yon kasi sikat na sikat ang mga Call Centers dahil sa malaking sweldo ng mga agents. Yun nga lang karamihan ng mga agents ay sa gabi nagtatrabaho dahil sinusupport ng karamihan ang mga Amerikano (are you feeling me?), ilan sa Europa (like Harrey Pottah) at kung susuwertihin ay mga taga-land down under (Australia) dahil halos kapareho lng natin sila ng oras kaya hindi mo na kailangan maging bampira na sa gabi gising (pero sabi sa Twilight hindi sila natutulog).

Pagpasok ko ng Call center, pang-umaga pa ko. Eh medyo tinamad na ko at gusto kong iba naman para for a change kasi nakakasawa ung laging pareho (hindi redundant yan…). Nagdesisyon akong magpanggabi. At ito ang mga naranasan ko sa pagtatransform ko bilang si Edward Cullen:

Ø  Sa una hanggang sa pangalawang linggo ko, imposibleng hindi ako makatulog sa workstation ko. Yung tipong kahit anong pandidilat ng mata ko eh naduduling naman sa antok at hindi ko mapigilan ang pag-‘bow’ ng biglaan. Tapos bigla kong iaangat ang ulo ko, titingin sa katabi kung nakita niya ang pag-‘bow’ ko at babalik sa trabaho. Sa buong shift ko, hindi lalagpas sa sampu ang pag-‘bow’ ko.

Ø  Pagkatapos ng shift ay magmamadaling umuwi para matulog pero pagdating ng bahay ay may mga pagkakataong mawawala ang antok na tatagal ng ilang oras kaya 4 hanggang 5 oras lang ang itatagal ng tulog na siyang ikaiinis dahil pagdating na naman sa opisina kinagabihan eh mag-babow na naman ng walang humpay.

Ø    Hindi mo malaman kung bakit parang gising ka maghapon kahit tulog ka.

Ø  Paggising mo ay mag-iisip ka kung anong oras na dahil magtataka ka kung bakit paggising mo eh madilim pa rin. At maaalala mong umaga ka natulog at may pasok ka sa gabi.

Ø  Iisipin mo rin kung anong araw na at anong petsa na. Kapag tinamad ka pang tumingin sa calendar ng cellphone mo eh, iisipin mo ito hanggang pagdating sa opisina o kung tinignan mo ang kalendaryo mag-iisip ka ng matagal kung panong nangyaring ang araw at petsang yon ay tama.

Ø  Pagkatapos ng shift mo at paglabas ng building eh bigla kang magiging ‘Chinese’ dahil sisingkit ang mata mo kasi hindi ka na sanay sa liwanag. Bibili ka ng shades dahil doon kasi ayaw mong madapa habang naglalakad at naniningkit ang mata.

Ø  Matutuwa ka naman tuwing sweldo dahil may pangluho ka na sa laki ng sweldo.

Ø  Tuwing papasok ka nga lang eh sarado na ang mall at pag uuwi ka na eh sarado pa ang mall kaya hindi mo rin mabibili ang luho mo. Maghihintay ka hanggang weekend para makapag-mall dahil ayos lang ang mapuyat. (pero sa bagay puyat ka naman lagi, gising ka sa gabi e)

Ø  Matutuwa ka kapag gumala ka ng may araw dahil kitang-kita mo ang lahat.

Sa pagtagal din eh masasanay ka rin naman pero para sa’kin hindi ako magtatagal dito. Gusto kong magkaroon ng propesyonal na trabaho. Yung talagang makaka-ahon ako.