Umuulan naman ngayon...
pero OK lang kasi hiniling ko yun kay Bro. hehehe
sobrang init kasi nung mga nakaraan e
Salamat po sa mga nagvview ng blog ko...
siguro po OFW kayo kasi taga-Russia ung nakikita ko hehe...
Maisip lang
Ito ay mga produkto ng kabagutan, walang matinong maisip at mga kalokohang bigla na lang pumapasok sa isip na walang laman.
Sabado, Mayo 5, 2012
Biyernes, Abril 27, 2012
Hanggang next week, MAINIT PA RIN!
Sabi sa balita, hanggang next week ang ganitong init.
Eh di hanggang next week tayong pagpapawisan sa gabi.
Hanggang next week babakat ang pawis sa higaan.
Hanggang next week kang susunugin pag labas ng bahay pag may araw.
Hanggang next week kang parang ice cream sa sikat ng araw, nakakatunaw. Oo, ganun pakiramdam.
Hanggang next week kang parang binabalatan pag dikit ng sinag ng araw sa balat mo. Oo ulet, ganun din pakiramdam.
Hanggang next week kang magpaplanong pumunta sa mall para magpalamig kahit walang bibilhin.
Hanggang next week pagkauwi mo ng bahay maghahanap ka ng swimming pool para magdive. Eh hindi kayo rich kid kaya magtitimba at tabo ka na lang.
Hanggang next week kang bibili ng shake, halo-halo, saging con yelo, mais con yelo, bloke ng yelo, at kung anu-ano pang malamig pwera lang ang bangkay.
Hanggang next week kang mag-iisip ng mga kakaibang bagay para lang mapalamig ng konti ang loob ng bahay niyo.
Hanggang next week, sana hanggang next week na nga lang talaga 'to!
Sana malamig naman! Madali lang magpainit.
Para uminit, manood ng porn. (eto talaga una kong naisip eh noh, halata ba ko?)
Para uminit, magbabad sa harap ng kalan. Mas mabuti pa ikaw na magluto lagi para may silbi ang paggamit ng kalan.
Para uminit, magsiga o kaya sa fireplace na lang pero Pilipinas 'to kaya walang fireplace ang mga bahay. Bahay niyo na lang sigaan niyo, mas mainit pa. Durog ka pa sa kapitbahay niyo pag nadamay sila. Baka hindi ka lang durog, pinong-pino pa.
Para uminit, mag-exercise! Mag-jogging, mag-push up, mag-sit ups, mag-squats. Gaganda pa katawan mo. Yummy!
Para uminit, magkumot habang nakasando at shirt at nakajacket at nakabrief, boxer brief, boxer shorts at pajama at medyas. Tignan ko lang kung hindi pa yan umepekto.
Pero tingin ko talaga, malala na 'to. Kailangan na natin gumawa ng paraan para tumagal pa ang mundo. OA? haha pero totoo. WE NEED CHANGE.
Linggo, Abril 22, 2012
It's more fun in the Philippines!
(Iba 'to sa mga napost ko.)
We went to one of the Beach Resorts in Subic Bay, Zambales yesterday. It was fun! The entrance fee is affordable. There are different cottages to choose from. You can stay any hour of the day and you can even stay over night, just bring a tent then your Summer getaway will be a blast.
I saw different activities happening there. Some are playing games for their Team building (it's really fun when you're with your friends or coworkers). I saw a wedding goin' on as well (and with loved ones). You can ride the Banana boat, Jet Skis or the real boat so you can go to the other islands and go snorkeling.
I took these pictures using my phone cause I wanna show you how beautiful this place is.
You can really feel tropical summer there. Come on! Give yourself a hot and adventurous summer! Only in the Philippines! :D
Linggo, Abril 15, 2012
Call center ka ba?
(building? gusali?)
Una ko ‘tong trabaho.
Pagkagraduate ko ito ang tinarget kong aapplyan, ang mga Business Process
Outsourcing (BPO) o mas kilala bilang Call Centers. Nung mga panahong yon kasi
sikat na sikat ang mga Call Centers dahil sa malaking sweldo ng mga agents. Yun
nga lang karamihan ng mga agents ay sa gabi nagtatrabaho dahil sinusupport ng
karamihan ang mga Amerikano (are you feeling me?), ilan sa Europa (like Harrey
Pottah) at kung susuwertihin ay mga taga-land down under (Australia) dahil halos
kapareho lng natin sila ng oras kaya hindi mo na kailangan maging bampira na sa
gabi gising (pero sabi sa Twilight hindi sila natutulog).
Pagpasok ko ng Call center,
pang-umaga pa ko. Eh medyo tinamad na ko at gusto kong iba naman para for a
change kasi nakakasawa ung laging pareho (hindi redundant yan…). Nagdesisyon
akong magpanggabi. At ito ang mga naranasan ko sa pagtatransform ko bilang si
Edward Cullen:
Ø
Sa una hanggang sa pangalawang linggo ko,
imposibleng hindi ako makatulog sa workstation ko. Yung tipong kahit anong
pandidilat ng mata ko eh naduduling naman sa antok at hindi ko mapigilan ang
pag-‘bow’ ng biglaan. Tapos bigla kong iaangat ang ulo ko, titingin sa katabi
kung nakita niya ang pag-‘bow’ ko at babalik sa trabaho. Sa buong shift ko,
hindi lalagpas sa sampu ang pag-‘bow’ ko.
Ø
Pagkatapos ng shift ay magmamadaling umuwi para matulog pero pagdating ng bahay
ay may mga pagkakataong mawawala ang antok na tatagal ng ilang oras kaya 4
hanggang 5 oras lang ang itatagal ng tulog na siyang ikaiinis dahil pagdating
na naman sa opisina kinagabihan eh mag-babow
na naman ng walang humpay.
Ø Hindi mo malaman kung bakit parang gising ka
maghapon kahit tulog ka.
Ø
Paggising mo ay mag-iisip ka kung anong oras na
dahil magtataka ka kung bakit paggising mo eh madilim pa rin. At maaalala mong
umaga ka natulog at may pasok ka sa gabi.
Ø
Iisipin mo rin kung anong araw na at anong petsa
na. Kapag tinamad ka pang tumingin sa calendar ng cellphone mo eh, iisipin mo
ito hanggang pagdating sa opisina o kung tinignan mo ang kalendaryo mag-iisip
ka ng matagal kung panong nangyaring ang araw at petsang yon ay tama.
Ø
Pagkatapos ng shift mo at paglabas ng building
eh bigla kang magiging ‘Chinese’ dahil sisingkit ang mata mo kasi hindi ka na
sanay sa liwanag. Bibili ka ng shades dahil doon kasi ayaw mong madapa habang
naglalakad at naniningkit ang mata.
Ø
Matutuwa ka naman tuwing sweldo dahil may
pangluho ka na sa laki ng sweldo.
Ø
Tuwing papasok ka nga lang eh sarado na ang mall
at pag uuwi ka na eh sarado pa ang mall kaya hindi mo rin mabibili ang luho mo.
Maghihintay ka hanggang weekend para makapag-mall dahil ayos lang ang mapuyat.
(pero sa bagay puyat ka naman lagi, gising ka sa gabi e)
Ø
Matutuwa ka kapag gumala ka ng may araw dahil
kitang-kita mo ang lahat.
Sa pagtagal din eh masasanay ka
rin naman pero para sa’kin hindi ako magtatagal dito. Gusto kong magkaroon ng
propesyonal na trabaho. Yung talagang makaka-ahon ako.
Sabado, Marso 31, 2012
Pamahiin Churi
Pamahiin Churi (Theory)
Mayaman ang
kultura nating mga Pinoy. Isa sa mga kumukumpleto ng kultura natin ang mga
pamahiin. Saan nga ba nanggaling ang mga pamahiin? Pa’no nagsimula o naggawa
ang mga yun?
Ang mga mababasa
niyo ay pawang mga kuru-kuro ko lamang. Ang mga sumusunod ay likha ng aking very great at interesting na imahinasyon. (Wag magpigil ng ngiti. OK lang yan! :p )
·
Wag isukat ang damit pangkasal dahil baka hindi
matuloy ang kasal.
Isa ‘to sa mga pinaniwalaan ko nung una ko ‘tong narinig.
Kasi sagrado ang kasal, naisip ko baka nga kailangan talaga suotin ang Traje de
Boda/Barong sa mismong kasal na. Pero! Pa’no kung maluwag? Pa’no kung masikip?
Pa’no kung makati sa balat, may tumutusok, may butas o may kung anong mali sa
damit??? Aber… Anong gagawin mo kung ilang oras na lang eh kasal mo na? Pa’no
kung habang dahan-dahan kang naglalakad sa simbahan papuntang altar eh
dahan-dahan ding sumisilip ang mga balat mo? O kaya naman e kulay talong ka na
dahil hindi ka makahinga sa sikip. O di kaya naman e akalain ng mga tao sa
simbahan na may earphones ka at nakikinig ng mga disco, RnB o HipHop music
dahil bigla ka na lang nagpaPop and Lock dahil sa kati sa tagiliran mo o may
naiwan pang aspile yung tumahi ng damit mo. Baka sabihin pa ng mga kaibigan mo
na wala ka talagang sense of rhythm, wala ka sa beat kasi Love song ang
kinakanta ng wedding singer ta’s ikaw ‘kala mo nasa ASAP ka. Makagiling ‘to… so
you think you can dance? Eksaheradduuuhhh! Pero pa’no nga naman kung masira mo
yung damit habang sinusukat mo, eh di hindi nga natuloy ang kasal. Kaya may
ganyang pamahiin.
·
Sukob, pag may namatay na kaanak sa taong iyon
hindi pwedeng magpakasal sa parehong taon ding iyon, mamalasin ang buhay ng kinasal.
O pag may kinasal sa taong iyon hindi pwedeng magpakasal ang kapatid ng kinasal
sa parehong taon, may mamalasin o mamamatay sa isa sa mga kinasal.
Narinig ko lang ‘to dahil sa isang pelikula. Meron pa lang
ganong pamahiin. Di ko ‘to pinaniwalaan. Malamang imbento na naman ‘to ng mga
matatanda noon! Syempre, kung ang isa sa mga anak nila e gustong magpakasal
pagkatapos ng libing ng kaanak sa taong ding yon, eh langya! Laking gastos nga
naman yon para sa mga magulang! Lalo pa’t nung mga unang panahon eh kababata pa
nilang nag-aasawa at past time lang ang paggawa ng anak. Eh pa’no kung maisipan
ng isa mo pang anak na magpakasal na at gagayahin pa ng iba mo pang anak. At
dahil halos magkakasunod lang ang edad tapos labingdalawa sila… Por pabor!!!
Pa’no kung lahat ay gusto nang matali??? Waaah!!! Kaya hindi ko rin naman
masisisi ang mga matatanda noon kung bakit sila barbers pagdating sa ilang
bagay. Eh ba’t ‘di na lang nila ipaliwanag? May katamaran din talaga, oo.
Explain na lang tinamad pa o sadya lang matigas ulo ng mga Pinoy kaya kahit may
visual aide ka pa habang nag-eexplain eh balewala rin. Kung anong gusto,
masusunod kaya dinaan na lang sa superstition.
·
Wag pumito sa gabi, may lalabas na ahas.
Ok. Malamang galing ‘to sa Pinoy na “couch potato”. Kakapanood ng TV kaya naimbento ang pamahiing
ito at ang napanood niya ay isang Indian na hinihipan ang flute kaya lumabas ang ahas sa lalagyan na dala nito. Naniwala agad
ang mga Pilipino sa mga nakikita sa mga dayuhan. Ayun. May sarili na tayong
version. Wala tayong flute kaya pagpito na lang.
Pwede rin namang dahil may mga kapitbahay na natutulog na
kaya bawal nang mag-ingay. Kung hindi ahas ang lumabas eh isang arinolang ihi
ang makita mo kaya quiet na lang sa gabi.
·
Kung tapos ka ng kumain, wag magligpit ng
kinainan kung may ibang taong kumakain pa. Hindi makakasal ang pinagligpitan.
Sa tingin ko isa ulit ito sa mga produkto ng pagiging
barbero ng mga matatanda noon. Wala namang kung anong hiwaga ang nababalot sa
pamahiing ito. Isa lamang ‘to sa mga paraan para ipaalala sa mga kasabay kumain
na magbigay ng respeto sa iba.
Ganito siguro ang nangyari dati… (tininininininin… Maalaaaa
aaalaaaa mo kaaayaaaa…) May isang manliligaw na dumalaw sa bahay ng kanyang
iniirog. Inabot na siya rito ng gabi kaya inaya na ng mga magulang ng dalaga
ang binata na doon na sa kanila
maghapunan. Naunang natapos kumain ang dalaga at tatangkain niya sanang
magligpit ng pinagkainan nang… “Oh Maria, anong ginagawa mo?” “Magliligpit na
po.” Naisip ng matanda na kawalang galang ang pagliligpit ng kinainan gayong
hindi pa tapos kumain ang binata. “Hindi mo ba alam na may pamahiin na kapag
nagligpit ka ng pinagkainan mo habang may kumakain pa eh, hindi makakasal ang
pinagligpitan mo. Kung sa amin ay ayos lang dahil kasal na kami pero si Pedro.
Ibaba mo muna ang plato mo sa lamesa at hintayin ang lahat na makatapos.”
Marahil ay pasaring na rin ito para sa dalaga na maari silang hindi makasal ni
Pedro sa gagawin niyang pagliligpit kaya minabuti ng dalaga ng sundin ang payo
ng magulang at maghintay. Dito po nagtatapos ang ating kwento.
Kasi nga naman kung naiwan ka pang kumakain tapos pagliligpitan
ka, anong mararamdaman mo? Parang pinagmamadali ka ng kumain o kaya dahil sa
pagligpit nya ng kinainan niya eh parang tinanong ka na rin niya na “Hindi ka
pa ba aalis??” Medyo pabor din ako sa pamahiin na ‘to. 3 stars para sa mga
nag-imbento nito pero hindi pa rin ako sang-ayon na dapat gumawa ng pamahiin
para lang mangyari ang dapat. Pwede naman kasi ‘tong ipaliwanag para
maintindihan. ‘Di ba? ‘Di ba?
·
Wag magwalis sa gabi, malas.
Hindi masama ang maglinis ng bahay. Hindi masama ang
magwalis pero sabi ng mga matatanda wag sa gabi. Wag magwawalis ng bahay sa
gabi dahil malas. Ang mga pamahiin ay nagsimula pa noon kaya eto na naman at
may teyorya ako para dito. Syempre,
dahil noon pa ito nagsimula mga matatanda na naman ang mga imbentor nito. Karamihan
siguro ng mga Filipino dati ay sa lapag o sahig natutulog. Maglalatag ng banig,
ok na. Siguro dati may naunang matulog na nanay o tatay. Magaspang ang sahig
kaya gusto ng anak na magwalis. Pagod ang magulang niyang naunang matulog kaya
hindi na nito kaya pang bumangon. Sinabi na lang ng magulang na malas ang
magwalis sa gabi. Ayun. Dahil jan… (may nagtext?) wala! May naalala pa akong
isang pamahiin. Sabi nila kung magwawalis daw ay wag palabas ng pinto, lalabas
din kasi ang swerte. Swerte ang kalat?? Nasabi na rin kasi sakin ‘to ng nanay
ko. Pagkasabi niyang lalabas ang swerte, napatingin ako sa mga plastic ng
chichirya, alikabok at lupa na nawalis ko. Naisip ko tinuturing ni nanay na
swerte ‘tong plastic ng chichirya, alikabok at lupa?? Bakit?? Itong pamahiin na
‘to naman eh nabuo dahil siguro ayaw ng mga matatanda noon na madumihan ang
harapan ng bahay kaya instant pamahiin agad para wala ng tanong-tanong pa.
·
Wag maggupit ng kuko sa gabi, malas.
Sa tingin ko, hindi malas ‘to (syempre). Malas mo lang kung
magupit mo ang daliri mo. Yon! Yon ang malas. Isinilang ang pamahiing ito dahil
dati wala pang kuryente sa karamihan. Mga gasera o kandila lang gamit nila para
lumiwanag sa loob ng bahay. (makapagkwento parang totoo eh noh haha) Hindi
makakapagbigay ng sapat na liwanag iyon kaya delikado maggupit ng kuko baka nga
magupit mo daliri mo. Goodluck! Baka pagkatapos mo maggupit namumutla ka na
dahil sa dami ng dugong nawala sa’yo.
Applicable din dito ang maagang natulog na parents. Syempre
dahil gabi na pag naggupit ka pa ng kuko, mahihigaan nila yon o mapupunta sa
katawan nila. Eh di namura ka ng ‘di oras. Matutusok sila eh. Eh hindi mo
pwedeng walisin dahil gabi na. Malas nga magwalis sa gabi ‘di ba? Tsk, tsk…
Pansin ko lang parang Feng Sui din pala ‘to pero Pinoy
style. May basehan man o wala, kailangan mong sundin para sumang-ayon ang
swerte sa’yo.
Sa opinyon ko, hindi makakatulong sa atin ang mga
pamahiing ito. Hindi mo gustong maging kahiya-hiya sa kasal mo. Hindi mo rin
gustong tiisin na marumi ang bahay niyo. Hindi mo rin gustong tiisin na mahaba
ang kuko mo kung hindi ka naman mangungulangot. Pwede mong gawin ang kahit ano
basta wala kang nasasaktan o nasasagasaan. Total, buhay mo naman yan eh. Sabi
nga ni Bon Jovi, I ain’t gonna live
forever. I just wanna live while I’m alive. It’s my life. Tsaka hindi
dadating sa’yo ang swerte kung hindi para sa’yo. Naniniwala rin akong ang
pagiging swerte ay barkada ng kasipagan. Kung masipag ka, suswertehin ka. Ano
nga’t swertehin ka, bigla kang yumaman eh kung tamad ka. Wala rin. Hindi rin
magtatagal ang swerte mo.
Umbrella friend (Payong
Kaibigan): Do what you think is right. Do
what makes you happy.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)