Biyernes, Abril 27, 2012

Hanggang next week, MAINIT PA RIN!


Sabi sa balita, hanggang next week ang ganitong init.
Eh di hanggang next week tayong pagpapawisan sa gabi.


Hanggang next week babakat ang pawis sa higaan.


Hanggang next week kang susunugin pag labas ng bahay pag may araw.


Hanggang next week kang parang ice cream sa sikat ng araw, nakakatunaw. Oo, ganun pakiramdam.


Hanggang next week kang parang binabalatan pag dikit ng sinag ng araw sa balat mo. Oo ulet, ganun din pakiramdam.


Hanggang next week kang magpaplanong pumunta sa mall para magpalamig kahit walang bibilhin.


Hanggang next week pagkauwi mo ng bahay maghahanap ka ng swimming pool para magdive. Eh hindi kayo rich kid kaya magtitimba at tabo ka na lang.


Hanggang next week kang bibili ng shake, halo-halo, saging con yelo, mais con yelo, bloke ng yelo, at kung anu-ano pang malamig pwera lang ang bangkay.


Hanggang next week kang mag-iisip ng mga kakaibang bagay para lang mapalamig ng konti ang loob ng bahay niyo.


Hanggang next week, sana hanggang next week na nga lang talaga 'to!


Sana malamig naman! Madali lang magpainit.
Para uminit, manood ng porn. (eto talaga una kong naisip eh noh, halata ba ko?)


Para uminit, magbabad sa harap ng kalan. Mas mabuti pa ikaw na magluto lagi para may silbi ang paggamit ng kalan.


Para uminit, magsiga o kaya sa fireplace na lang pero Pilipinas 'to kaya walang fireplace ang mga bahay. Bahay niyo na lang sigaan niyo, mas mainit pa. Durog ka pa sa kapitbahay niyo pag nadamay sila. Baka hindi ka lang durog, pinong-pino pa.


Para uminit, mag-exercise! Mag-jogging, mag-push up, mag-sit ups, mag-squats. Gaganda pa katawan mo. Yummy!


Para uminit, magkumot habang nakasando at shirt at nakajacket at nakabrief, boxer brief, boxer shorts at pajama at medyas. Tignan ko lang kung hindi pa yan umepekto.


Pero tingin ko talaga, malala na 'to. Kailangan na natin gumawa ng paraan para tumagal pa ang mundo. OA? haha pero totoo. WE NEED CHANGE.

1 komento: